Ang gout ay isang masakit na kondisyon na matagal nang umiiral. Sa kabutihang palad, ang modernong gamot ay gumagawa ng kondisyong ito na malunasan. Mahalagang tandaan na habang ang mga kalalakihan at mas matatandang kababaihan ay mas mataas ang panganib ng gout, maaari pa ring maapektuhan ang sinuman sa kondisyong ito dahil ito ay higit sa lahat naiimpluwensyahan ng pamumuhay at katayuan sa kalusugan ng isang tao. Piliin na gawin ang malusog na ruta upang maiwasan ang kondisyong ito mula sa pagbuo ng mas maraming hangga't maaari.
Kung mayroon ka nito, alam mo ang sakit at inconvenience na dulot ng karamdamang ito. Bukod sa mahirap gumalaw, ang pagkirot ng iyong katawan particular na ng kasukasuan. Ito ay isa sa mga karamdaman na karaniwang iniinda ng mga may edad na.
Ngunit ano nga ba ang sanhi ng gout? Mayroon bang paraan upang malabanan ang karamdamang ito?
What is Gout?
Hindi lahat ng tao ay pamilyar sa meaning at pinagmulan ng gout. Minsan pa nga, hindi nila alam ang tamang pag-aalaga para dito dahil hindi rin nila alam kung ano ang gout.
Ang gout ay isang uri ng arthritis kung saan ang mga joints o kasukasuan ay namamaga at kumikirot. Depende sa kalusugan at pangangatawan ng isa, ang gout symptoms o “attacks” ay maramdaman sa biglang pananakit ng kasukasuan, paa, kamay, tuhod at siko na para bang tinutusok-tusok ang mga ito.
Alam natin na sa sa pamamagitan ng pag-ihi nailalabas at inaalis ng ating katawan ang hindi kailangang chemical at dumi sa katawan tulad ng uric acid. Ngunit kung masyadong mataas ang uric acid content ng isang tao, magdudulot ito ng gout.
Tamang Pagkain para sa may Gout
Walang particular na pagkain ang magpapawala ng pagsumpong ngunit ang pagkakaroon ng maayos na diet ay tutulong para sa maayos na timbang at pagpapabagal ng paglala nito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Sariwang gulay at prutas
- Mani at grains
- Patatas, kanin, tinapay
- Tamang dami ng itlog
- Mga lean meat o karne tulad ng isda, manok
- Low-fat dairy products
Ugaliin ding uminom ng maraming tubig araw-araw bilang panlaban sa gout.
Mga Bawal na Pagkain sa Gout
Ang pag-iwas sa mga pagkaing magpapataas ng uric acid sa katawan ay singhalaga rin ito ng pag-inom ng gamot sa gout. Ilan sa mga dapat iwasan ay ang mga sumusunod:
- Beer at grain liquor (vodka at whiskey)
- Mga lamang loob tulad ng atay, dugo, at isaw
- Red meat
- Seafood tulad ng hipon, alimango, tahong, at sardinas
- Pagkaing mataas ang fructose content tulad ng softdrinks, ice cream, at juice
Mas magiging madali ang pag-iwas sa mga pagkain na ito kung maghahanda ng listahan ng pagkain para sa isang linggo o isang araw.
Gout Treatment
Katuwang ang masustansyang pagkain at exercise, ang tamang gamot ang maituturing na bestfriend ng mga may gout. Ang pag-inom ng gamot upang makontrol ang pananakit at pamamaga ng kasukasuan ay mabisang panlaban sa gambala na dulot ng gout. Sa panahon ngayon, walang kasing-halaga ang pananatiling maayos ng pangangatawan at pagpili ng tamang pagkain.
Use Food Supplementation
Upang makaavail ng DXN PRODUCTS ng mura or DISCOUNTED PRICE, ang pinaka una mo gawin ngayon ay gumawa ng iyong DXN MEMBER ACCOUNT FOR FREE!
Sources:
https://www.ritemed.com.ph/
https://www.unilab.com.ph/
GENERAL DISCLAIMER:
The dietary food supplements presented in this Page are designed to assist in the maintenance of general well-being through regular use. If you have a condition which requires medical diagnosis and treatment, it is important that you visit your healthcare professional.
The information presented on this page is for informational & educational purposes only, and is not intended as a medical advice or a substitute for a physician’s consultation and/or examination.
This page operated by an Independent DXN Distributor. DXN does not endorse any information on this site nor does DXN assume any civil and/or criminal liabilities arising out of this page.
No comments:
Post a Comment