Ang kamangha-manghang Fungus: Cordyceps Sinensis
Ang Cordyceps Sinensis ay isang fungus na kilala sa kakaibang kaparaanan nito ng pagsibol o pagpaparami. Ginagamit nito ang katawan ng mga insekto o caterpillar para tumubo o magpalaki, dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
Cordyceps sinensis. (*Watch video below)
Ang Cordyceps ay nakagawian ng gamitin bilang gamot sa Tibeth, China at iba pang mga bansa sa Silangan. Sa ngayon ay unti-unti na itong nakikilala sa bandang Kanluran at iba pang parte ng mundo.
Marami ng naiulat na mga balitang pag galing ng mga taong may sakit dulot ng paggamit ng Cordyceps. Iba’t-ibang pag-aaral ang inilunsad upang mapatunayan ang bisa ng kamangha-manghang fungus na ito, ngunit sadyang napaka kumplikado ng mekanismo nito.
Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang bisa ng Cordyceps ay dahil sa pagtataglay nito sa mga sumusunod na mga chemical compositions: polysaccharides, sterols, nucleosides, glutamic acid, amino acids, cordycepin, adenosine, peptides, polyamines, vitamins, and trace elements.
Mga mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga sumusunod na mga bioactive components:
• Polysaccharides – ito ay nagsasagawa ng mga mahalagang tungkulin sa larangan ng nutrasyon. Nagtataglay ng maraming health benefits, ang kumplikadong carbohydrates na ito ay mainam na pagkukuhanan ng enerhiya. Ito ay nakakatulong magpangalaga sa kalusugan ng iyong puso, atay at bituka; nakakatulong magpatatag ng iyong blood sugar at blood pressure; nakakaagapay sa iyong layuning magbawas ng timbang, pagpapalakas ng immune system, pagpapagaling ng pangkaraniwang mga karamdaman at mga sugat, at pagkakaloob nga mga vitamins and minerals na mahalaga para sa iyong kalusugan.
• Sterols – ay mga fatty compounds na mahalaga para sa kalusugan ng iyong mga cells and tissues. Epektibo ito na pangpababa ng bad cholesterol (LDL) and triglyceride levels, kung kaya’t nakakatulong ito para maiwasan ang tsansa ng sakit sa puso at stroke. Dahil may kakayahan laban sa pamamaga, ang sterols ay mainam din na panlaban sa problema sa prostate at sa cancer. Mahusay din itong pampalakas ng immune system kung kaya’t nakakatulong para makaiwas sa mga malulubhang karamdaman at mapanatili kang malusog.
• Nucleosides – ang mga ito ay organic molecules na nakuconvert bilang genetic material na DNA and RNA. Ang mga nucleoside compounds ay mainam laban sa mga sakit sa utak, atay, immune function, bituka at pamamaga.
• Glutamic acid – mabisa para sa utak. Nakakatulong ito para maipasa ang mga signals o mga mensahe sa utak at nakakatulong din para malunasan ang mga karamdamang katulad ng epilepsy, paghina ng pag-iisip at ng mga muscles, ulcers, at hypoglycemic coma (isang malubhang karamdamang sanhi ng diabetes).
• Amino Acids – mahalaga para sa kalusugan. Sila ang nagpapasimuno sa paglikha ng protein sa iyong katawan.
Kapag ang mga proteins ay natunaw sa pamamagatin ng digestion, ang resulta ay amino acids. Sa kabila ng pagiging bahagi ng enzyme & hormonal system, ang mga amino acids ay gumaganap ng maraming mahahalagang tungkulin sa katawan, katulad ng pagbuo ng mga cells, pagkumpuni ng mga tissues, paglikha ng mga antibodies (mga panguntra) laban sa mga bacteria at mga viruses, pagbuo ng mga nucleoproteins (RNA & DNA), pagpakalat ng oxygen sa buong katawan at pagtulong sa pagsagawa ng mga muscle activities.
• Cordycepin (3-deoxyadenosine) – nagtataglay ng anti-fungal (panlaban sa mga fungi), anti-tumor (panlaban sa tumor o cancer), anti-viral (panlaban sa mga virus) na kakayahan.
• Adenosine – panlaban sa pamamaga at nakakatulong sa pagpalaganap ng enerhiya sa katawan. Ang adenosine ay mainam na panlunas sa mga sakit na tulad ng varicose veins at irregular heartbeat. Nakakatulong din ito sa pagbuo at pag-repair ng mga body tissues.
• Peptides – mainam para sa balat. Nagpapalusog sila ng mga ugat sa katawan at nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo.
• Polyamines – mahalaga sila para sa kalusugan ng mga cells.
• Vitamins (E, K, B1, B2, and B12) – ang mga ito ay kailangan ng iyong katawan upang lumaki at mag-develop normally.
• Trace elements (K, Na, Ca, Mg, Fe, Cu, Mn, Zn, Pi, Se, Al, Si, Ni, Sr, Ti, Cr, Ga, V, and Zr) – ang mga ito ay mahalaga para mapagaling ka mula sa mga sakit at mapanatili kang malusog.
__
No comments:
Post a Comment