KAALAMAN TUNGKOL SA OKRA BILANG HALAMANG GAMOT
Scientific name:
Abelmoschus esculentus (Linn.) Moench.; Hibiscus esculentis Linn.
Common name:
Okra (Tagalog); Lady’s Finger, Gumbo (Ingles)
Ang okra ay isang kilalang gulay na ipinangsasangkap sa ilang mga lutuin. Ang bunga nito na siyang ginagamit na panggulay ay pahaba, patulis at puno ng bilog-bilog na mga buto at may malapot at madulas na katas. Ang halamang ito ay may katamtamang taas, may bulaklak na madilaw at karaniwang itninatanim sa mga taniman para sa bunga na ginugulay.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA OKRA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang okra ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang bunga ng okra ay mayroong pectin, mucilage, fat, tubig, at ash. Mayroon pa protina, lipid, carbohydrate, dietary fiber, sugars, sucrose, glucose, fructose at starch. May mineral din ito na calcium, iron, magnesium, phosphorus, potassium, sodium, zinc, copper, manganese, selenium.
Ang bunga ay may taglay din na bitamina gaya ng vitamin C, thiamin, riboflavin, niacin, pantothenic acid, folate, choline, ß-carotene, vitamin A, vitamin E, at vitamin K.
Ang mga buto ay makukuhanan naman ng palmitic acid, stearic acid, arachidic acid, oleic acid, at linolic acid. May taglay din ito na vitamin C.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Ugat. Ang ugat ay karaniwang inilalaga upang mainom o ipang hugas sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari ding itong dikdikin at ipantapal sa ilang mga kondisyon sa katawan.
Dahon. Ang dahon ay inilalaga at iniinom na parang tsaa. Dinidikdik nin ang dahon at ipinangtatapal.
Bunga. Karaniwang ginagamit bilang gamot ang bunga ng okra. Maaari itong ilaga at ipainom sa may sakit. Ang malapot na katas ng bunga ay mabisa rin para sa ilang mga kondisyon sa katawan.
Buto. Karaniwang dinidikdik naman ang mga buto at inihahalo sa gatas upang ipampahid.
ANO ANG MGA SAKIT AT KONDISYON NA MAAARING MAGAMOT NG OKRA?
- Sore throat. Ginagamit para sa kondisyon ng sore throat ang malapot na katas ng bunga ng okra. Makatutulong ito na mabawasan ang pananakit.
- Syphilis. Ang impeksyon naman ng bacteria sa ari ay maaaring hugasan gamit ang tubig na pinagbabaran ng ugat ng okra.
- Sugat. Matutulungan naman na mapabilis ang paghilom ng sugat sa pamamagitan ng pagtatapal ng dinikdik na ugat at dahon.
- Lagnat. Ang murang bunga ng okra ay makatutulong naman sa pagpapababa ng mataas na lagnat. Ito’y pinapakain sa may sakit. Maaari namang inumin ang pinaglagaan ng ugat para sa kaparehong epekto.
- Varicose vein. Ang mga nakalitaw na ugat ay matutulungang maalis ng pag-inom sa pinaglagaan ng ugat ng okra.
- Pulmonya. Mabisa naman para sa sakit na pulmonya ang pinaglagaan ng dahon at bulaklak ng okra.
- Pagsusugat sa balat. Ang kondisyon naman ng pagsusugat sa balat ay matutulugan din ng pagpapahid ng dinikdik na buto ng okra na inihalo sa gatas sa apektadong balat.
- Pagtatae. Para naman sa kondisyon ng pagtatae, inihahalo ang malapot na katas ng bunga sa inuming tubig.
- Hirap sa pag-ihi. Iniinom din ang pinaglagaan ng bunga ng okra upang bumuti ang pag-ihi.
- Rayuma. Ginagamit ang para sa kondisyon ng rayuma pinaglagaan ng ugat ng okra. Ito’y maaaring inumin.
Share this to people and friends we care about 👤
No comments:
Post a Comment