Wednesday, January 29, 2020

Wastong Nutrisyon ang Mainam na Proteksyon ng iyong Katawan

Ang tamang nutrisyon ay mahalaga upang mapangalagaan at mapalakas ang iyong immune system — ang likas na proteksyon ng katawan laban sa mga sakit. Ang 6 na elemento ng nutrisyon ay ang mga sumusunod: protein, carbohydrates, fats, vitamins, minerals, and water.

Ang tatlong mga nauna — proteins, carbohydrates, and fats — ay tinatawag na MACRONUTRIENTS, ibig sabihin ay kailangan ito ng maramihan ng iyong katawan upang gumana ng maayos.

PROTEIN / AMINO ACIDS
Ang mga proteins ay binubuo ng mga maliliit na mga elemento na tinatawag na amino acids, tinaguriang mahalagang sangkap ng iyong katawan. Ang pangunahing tungkulin ng mga proteins ay ang pagbuo at pagpangalaga ng mga body tissues.

CARBOHYDRATES
Ang mga carbohydrates ay bumubuo ng glucose — pinanggagalingan ng energy na sumusuporta sa kagalawan at aktibidad ng katawan.

FATS
Ang mga fats ay ‘di naman talaga masama sa iyong katawan. Tumutulong ang mga itong magpaayos ng mga proseso ng katawan na tulad ng: pagbuo ng energy para sa maayos na kagalawan ng katawan at pagpapalusog ng utak at ng balat. Ang mga fats ay tumutulong din para ma-absorb ng katawan ang mga fat-soluble vitamins, na katulad ng vitamins A, D, E, and K. Ang mga mainam na mapagkuhanan ng mga healthy fats ay mga nuts, olives, avocados, fish, sea foods, and vegetable oils.

VITAMINS
Ang iyong katawan ay nangangailangan ng mga vitamins. Nagsasagawa sila ng mga mahahalagang tungkulin sa katawan upang makamit ang wastong kalusugan. Ang mga vitamins ay may dalawang uri: FAT SOLUBLE (vitamins A, D, E and K) and WATER SOLUBLE (vitamins B and C). Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng dalawang uring ito upang matukoy kung paano gumagana ang mga ito sa katawan.

FAT SOLUBLE VITAMINS
Ang mga ito ay natutunaw lamang sa lipids o fats. Naa-absorb lamang sila ng katawan sa tulong ng mga fats. Kapag kumain o uminom ka ng marami nito ay naiimbak lamang sila sa iyong atay at mga body tissues, at manatili roon ng mahabang panahon.
  • Vitamin A – nakakatulong sa iyong paglaki, pagpatubo ng buhok, pagpalakas ng immune functions, pagpasigla ng reproductive health, pagtaguyod ng healthy skin, paglaban sa mga infections, pagpalinaw ng paningin, at pagpatibay ng mga buto at ng mga ngipin. Ang vitamin A ay nagtataglay ng sangkap na panlaban sa cancer.
  • Vitamin D – Nagpapatibay ng mga buto at ng mga ngipin at tumutulong sa pag absorb ng calcium.
  • Vitamin E – powerful antioxidant, ang vitamin E ay tumutulong sa pagtanggal ng mga toxins at pumipigil sa pagkasira ng mga cells.
WATER SOLUBLE VITAMINS
Ang mga ito ay natutunaw sa tubig, hindi nananatili sa katawan ng mahabang panahon, at nailalabas sa pamamagitan ng pag-ihi at ng pagpapawis, kung kaya’t kinakailangan ang maramihang supply nito sa iyong katawan araw-araw.
  • Vitamin B1 (Thiamine) — tumutulong sa pag-convert ng food (carbohydrates) para maging glucose, na siyang ginagamit ng katawan bilang energy. Tumutulong mag proseso ng mga fats at protein, ang Vitamin B1 ay umaagapay din sa ating nervous system, liver, endocrine glands, skin, hair, eyes, brain, cardiovascular and muscular function.
  • Vitamin B2 (riboflavin) — mainam para sa paningin at nakakatulong sa growth and development ng ating katawan. Nakakatulong din ito sa pangangalaga ng ating skin, nails, hair, sensitive lips and tongue at tumutunaw ng protein, fat and carbohydrates.
  • Vitamin B3 or Niacin (Nicotinic Acid) — mainam para sa ating digestive system, skin and nervous system; nagpapababa ng cholesterol levels; tumutulong sa ating katawan sa pag-produce ng iba’t-ibang sex and stress-related hormones; tumutulong sa pangangasiwa ng healthy skin and nerves.
  • Vitamin B5 (Pantothenic acid) — mainam sa skin; nagriregulate ng cholesterol level; nagpapababa ng stress levels; nagpapaimprove ng athletic performance; nagpapalakas ng immune system; nakakatulong sa pagpapababa ng timbang; panguntra sa arthritis; nakakatulong sa paglikha ng energy and hormones; tumutulong sa pagtunaw ng carbohydrates, fats, and proteins.
  • Vitamin B6 —  Mainam para sa utak, ang vitamin B6 ay tumutulong sa paglikha ng mga hormones na nag-i-influence ng mood at melatonin na kumucontrol sa pagtulog. Ang Vitamin B6 ay tumutulong din magregulate ng blood sugar sa katawan. Mabisa din itong pampababa ng homocysteine levels — isang amino acid na nakukuha sa sobrang pagkakain ng karne. Ang malabis na pagkakaroon ng homocysteine sa dugo ay maaring mag resulta sa pagbabara ng mga ugat na maaring magpataas ng tsansa ng blood clot formation, strokes, heart attacks, at posibleng Alzheimer’s disease.
  • Vitamin B9 (Folic Acid) – nagpapababa ng tsansa ng pagkakaroon ng heart disease, tumutulong sa pag proseso ng protein, tumutulong sa paglikha ng red blood cells, at tumutulong sa pagpigil ng pagkakaroon ng birth defects.
  • Vitamin B12 – mahalaga sa paglikha ng red blood cells at pagbuo ng mga nerves.
  • Vitamin C – Ang antioxidant na vitamin C ay tumutulong sa paglaban ng skin damage na sanhi ng malabis na sun exposure and pollution, nagbabawas ng mga wrinkles, at nagpapa-improve ng overall skin health. Ang vitamin C ay tumutulong din sa immune function, normal growth, pag-repair ng mga tissues sa katawan, paglimita ng damaging effects of free radicals, at pagkontra sa mga cancers, cardiovascular disease, infections of the bladder and prostate. Ang vitamin C ay tumutulong din sa pagpigil ng pagbabara ng mga ugat sa katawan, nagpapababa ng high cholesterol level, lumalaban sa mga sakit na heart attack, high blood pressure, stroke, common cold, gum disease, acne, bronchitis, HIV disease, stomach ulcers, and dysentery.
MINERALS
Ang mga minerals ay nakakatulong pangpatangkad, pang-repair ng tissue, pangtunaw, at pagsagawa ng iba-ibang proseso sa katawan. Ang katawan ay nangangailangan ng mga minerals upang suportahan ang mga important body functions na katulad ng nerve circulation, muscle contraction and hormone production.

Ang mga minerals ay nahahati sa dalawang grupo:

MACROMINERALS or major minerals (kailangan ang mga ito ng katawan ng maramihan) at MICROMINERALS or trace minerals (kakaunti lang ang kailangan sa mga ito ng katawan).

MACROMINERALS (Major Minerals):
  • Calcium – Ang calcium ay isang uri ng electrolyte — minerals na nagkaconduct ng electrical impulses, nakaka apekto kung paano mag function ng maayos ang katawan, kabilang nito ang: muscle movement, balance of fluid and the acidity of your blood (pH), at iba pang mga mahalagang proseso. Bukod sa mainam na pang patibay ng mga buto at mga ngipin, ang calcium ay napaka mahalagang bahagi ng healthy diet.
  • Magnesium (an electrolyte) ay mahalaga sa mga human cells, tumutulong sa pagpapatibay ng mga buto at mga ngipin, nagpapadala ng mga nerve signals na siyang nagpapagalaw ng mga muscles, at tumutulong sa pag proseso ng mga fats and protein.
  • Potassium – (an electrolyte) — tumutulong sa katawan na matamo ang lubos nitong kakayahan. Mahalaga para sa wastong kagalawan ng mga cells, tissues and organs, ang potassium ay mainam rin para sa puso at sa digestive and muscular function. Nagsasaayos din ito ng iyong blood pressure at pumipigil sa mga sakit na tulad ng stroke and osteoporosis.
  • Sodium: Sodium (another electrolyte) — tumutulong na mapanatili ang balanse ng tubig sa iyong katawan, nagpapadala ng nerve signals at tumutulong sa pagpagalaw ng mga muscles. Ang sobrang pagkain ng sodium ay nakakapinsala ng kidney. Tamang pag gamit ng sodium ang kailangan upang matamo ang malusog na pangangatawan.
  • Chloride – Isang uri ng electrolyte, kailangan para mapanatili ang balanse ng fluid at ng stomach acid.
  • Phosphorus – Nagpapatibay ng mga buto at ng mga ngipin, ang phosphorus ay tumutulong sa pag gamit at pag imbak ng energy sa katawan; tumutulong sa kidney sa pagsala ng mga toxins; umaagapay sa pagbuo ng DNA at RNA; tumutulong sa pagpapalago, pagpapanatili at pagkukumpuni ng mga tissues and cells.
  • Sulfur – Nagpu-protekta sa mga cells; nagpapabagal ng pagtanda; nagpapalakas ng atay; nagpapalusog ng skin, hair, and brain; tumutulong tumunaw ng mga kinain at kinu-convert ang mga ito na maging energy.
MICROMINERALS (Trace Minerals):
  • Iron - Elemento na tumutulong magbuo ng mga litid (tendons and ligaments), nagbibigay sustansiya sa utak, nagpapalakas ng immune system at umaagapay sa blood circulation ng katawan.
  • Copper – Mahalaga ito upang matamo ang normal na kagalawan ng mga body organs at mga proseso sa katawan. Mainam din ang copper para sa kalusugan ng brain, heart, bone, skin, immune and reproductive system, connective tissues, hair, and eyes; pagpapanatili ng blood volume; pagsupply ng energy sa mga cells; pagbuo ng red blood cells; pagsaayos ng mga napinsalang mga tissues; pagbuo ng energy; tamang pag proseso ng cholesterol, glucose, enzymes at iron.
  • Manganese – Isang powerful antioxidant, ang manganese ay tumutulong sa pagregulate ng blood sugar, fats, carbohydrates, cholesterol, sex hormones, protein metabolism, adrenal and thyroid function, bone formation, pati na rin ng neural and muscle function.
  • Iodine – Ang iodine ay kailangan ng thyroid gland upang maka-produce ng hormones. Ang mga hormones ay special chemical messengers sa katawan na nagku-control sa mga maselang bodily functions, katulad ng blood sugar levels, growth, mental development, body temperature, hunger, moods, emotions, menstrual cycle, thirst, sleep and sex drive.
Mahalaga rin ang iodine sa pagbuo ng central nervous system. Ang iodine ay nakakatulong din upang maiwasan ang mga sakit na tulad ng cancer, eye disease, diabetes, heart disease and stroke.

Ang kakapusan sa iodine ay maaring maging sanhi ng goiter, autoimmune disease, cancer, high blood pressure, infertility, mental retardation for baby, and cretinism — isang sakit na labis na nakaka apekto sa physical and mental growth.

Zinc - Ang zinc ay umaagapay sa enzyme activity ng katawan, nagpapalakas ng immune function, tumutulong magpahilom ng sugat, at nagpapalusog ng mga cells.
Selenium – Nagtataglay ng mataas na antioxidants, ang selenium ay pumuprotekta sa mga cells laban sa mga free radicals.

WATER
Ang tubig ay napakahalaga. Maari kang mag-survive na walang pagkain sa loob ng 3 araw, ngunit mamamatay sa loob lamang ng ilang oras kapag walang nainom na tubig sa ilalim ng matinding init ng araw o sa sobrang physical activity. Kailangan ang tubig para mapanatili ang iyong bodily functions.

Ang kakapusan sa mga nabanggit na mga nutrients ay magdudulot ng paghina ng iyong immune system na magiging sanhi ng malulubhang mga karamdaman. Upang maging malusog at maging malakas ugaliing ipagkaloob sa iyong katawan ang mga energy na kinakailangan arawaraw.

Ang mga DXN products ay nagtataglay ng mga elemento na kailangan ng iyong immune system para malabanan ang mga nakaambang malulubhang mga karamdaman.


No comments:

Post a Comment