Alam n’yo ba na may tamang pangangalaga sa bawat parte ng ating katawan?
Narito ang mga payo na makabubuti at makasasama sa ating kalusugan.
Umpisahan na natin ang pag-aalaga.
[01] Utak (brain)
Mabuti: Mag-aral at magbasa lagi. Sumagot ng crossword, sudoku at iba pa.
Masama: Pag-inom ng alak. Pagkalungkot. Paglalaro ng boksing.
[02] Mata (eyes)
Mabuti: Ipikit at ipahinga ang mata pagkatapos magbasa o mag-computer. Gumamit ng salamin.
Masama: Masilaw sa sobrang liwanag ng ilaw. Tumitig sa araw. Mapuwing ng maduming bagay. Magbasa ng matagal.
[03] Tainga (ears)
Mabuti: Mahihinang tunog lang.
Masama: Maingay na lugar tulad ng airport, concert at kantahan. Malakas na tunog ng earphones. Pagkasundot ng tainga.
[04] Ngipin (teeth)
Mabuti: Magsipilyo araw-araw. Gumamit ng dental floss. Gumamit ng tongue cleaner.
Masama: Hindi pagsisipilyo. Matitigas na pagkain. Paninigarilyo. Pag-inom ng may kulay na inumin dahil maninilaw ang ngipin.
[05] Puso (heart)
Mabuti: Pagkain ng isda at gulay. Pag-eehersisyo. Masiyahin na pananaw sa buhay.
Masama: Matataba at maaalat na pagkain. Laging nagagalit. Altapresyon, diabetes at mataas na cholesterol.
[06] Baga (lungs)
Mabuti: Preskong hangin. Pagtira sa probinsya. Pag-hinga ng malalim.
Masama: Paninigarilyo. Paglanghap ng usok ng mga sasakyan at polusyon.
[07] Bato (kidney)
Mabuti: Pag-inom ng 8 hanggang 12 basong tubig.
Masama: Pagpipigil ng ihi. Pagkain ng maaalat.
[08] Atay (liver)
Mabuti: Magpabakuna sa Hepatitis B. Pagkaing masustansya.
Masama: Pagkain ng matataba at madudumi. Pag-inom ng alak. Pag-inom ng maraming gamot.
[09] Bituka, tiyan (bowels)
Mabuti: High-fiber na pagkain tulad ng gulay, wheat bread, mansanas, pakwan at saging. Pag-inom ng maraming tubig.
Masama: Pagkain ng taba ng karneng baboy at baka. Nagpapakagutom.
[10] Balat (skin)
Mabuti: Pag-inom nang maraming tubig. Maligo araw-araw. Pagkain ng prutas.
Masama: Pagpapaaraw. Paninigarilyo. Laging nakasimangot. Pagpupuyat.
[11] Alagaan ang buong katawan. Kumain ng masustansya at mag-ehersisyo. Alamin at panatilihin ang inyong tamang timbang.
[12] Narito ang pinaka 👈 safe, natural at ultimate #Health_Solutions !
No comments:
Post a Comment